November 11, 2011

It Was Only Just a Dream

Nakita ko si Itchan.

Nakita ko siya sa lugar kung saan kami huling nagkita, sa gazebo ng GMA Network. Kasama niya ang dalawa kong kaklase, sina Juni at Toni. Nakita ko silang nakatambay doon. Mukhang late yata si Itchan. Naiinip na yung dalawa.

Juni: Ang tagal naman ni Chan.
Toni: Nasaan na kaya yun.

Parating na si Itchan.

Toni: Bakla, bakit ngayon ka lang?
Juni: Halika na!
Itchan: Bakla, hindi na ako makakasama sa inyo…

Nag-online ako. Sa wall posts sa Facebook Profile ni Itchan, maraming nagpapasalamat sa kanya sa mga pagdalaw niya. Sabi ko, “Bakla, nakita nga kita, pero hindi naman ako kasali sa eksena. Bat ganun? Ang gusto ko lang naman mayakap kita.”

Kagaya ng dati, sobrang pagod ako galing sa trabaho. Gabi na ako umuwi. Pagkapikit ko, nakita ko si Itchan. Napamulat ako. Tanong ko sa sarili ko, “Nakatulog na ba ako agad nun?” Napaisip ako… Sabi ko na lang, “Bakla, okay lang ba kung tipong paumaga mo na ako dalawin? Matatakutin kasi ako, ang lakas ng  imagination ko.” In short, natatakot ako.

Tick tock. Tick tock.
KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!
Alas otso na ng umaga. Pero inaantok pa ako.
ALARM OFF.

Kinuwento ko kay Mommy ang una kong panaginip kay Itchan. Pumasok ako sa kuwarto, at nakita ko si Itchan na nakatayo! Hindi ko mapaliwanag yung tuwang naramdaman ko.

“Chan! Chan!”
Pinisil-pisil ko yung braso niya!

“Chaaaan!”
Mahigpit na yapos ang binigay ko sa kanya.
“Chan!”

Tapik.
“Joy, Joy. gising na. Baka ma-late ka.”
Si Mommy pala.

Nagising akong may luha sa mga mata ko. Habang inaalala ko ang mga nakita ko.
Natawa na lang ako. Infairness kay bakla, umaga nga nagpakita.

Pero may comment pa rin ako... Sabi ko, “Nagpakita ka nga, nayakap nga kita. Hindi mo naman ako kinausap.” Naimagine ko kung anong isasagot niya. Sasabihin siguro nun, “Gaga! Kung kinausap kita, baka matakot ka pa!”

Hinintay ko kung kelan niya ako susunod na dadalawin.

May overnight kaming magkakaklase. Magkakasama kami sa isang kwarto na hindi ko mawari kung saan o kanino. Ang ingay namin. Sigawan, tawanan. Hanggang sa dumating na si Itchan. Naka-tux pa si bakla, pormal-pormalan.

Lumapit ako.
“Ano na beks, hindi mo pa rin ba ako kakausapin?”
“Baka kasi matakot ka.”
“Loka-loka. Hindi na ako natatakot sa’yo”

Nagtawanan kami.
Hahaha! Hahaha! Hahaha!
At, niyakap niya ako. Mahigpit na yakap.

Kasama ko na ulit ang mga kaklase ko. Natatanaw namin si Itchan mula sa kwarto kung nasaan kami. Naka-ngiti at mukhang masaya. Kumakaway siya sa amin habang humahakbang papalayo.

Panaginip lang pala lahat.

Patuloy ang buhay. Pero sa tuwing mag-isa ako, naiisip ko pa rin ang kaibigan ko. Sabi nga ng boyfriend ko, parang ang laki daw ng epekto sa akin ng pagkawala ni Chan.

Totoo.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Yung tipong, oo alam ko na wala na siya. Pero parang ano ba ito, parang joke lang naman. 

Na-realize ko kung gaano kaiksi ang buhay. Naintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ng “Life is short” at ng “You’re never too young to die.” Na ang buhay ang walang kasiguraduuhan. Maaring bukas 'pag sikat ng araw hindi ka na magising pa. Nakakatakot.

Pero ganun talaga. Kaya nga may kasabihan din na, “Live life to the fullest.”
Na dapat matutunan ng bawat tao na ituring ang bawat araw na parang huli na niya. Na wala na tayong dapat sayangin pa. Ako, iniintindi ko pa ang leksyon na iyan  at sinsubukang matutuhan pa.

Sabi sa kanta sa 100 Days to Heaven… “Mahiwaga ang buhay ng tao.”
Mahiwaga ito, dahil mahiwaga rin ang nagbigay sa atin nito, ang Panginoon.

Life itself is such a blessing. Let’s all be grateful for having it and live it the right way.

No comments:

Post a Comment