November 11, 2011

It Was Only Just a Dream

Nakita ko si Itchan.

Nakita ko siya sa lugar kung saan kami huling nagkita, sa gazebo ng GMA Network. Kasama niya ang dalawa kong kaklase, sina Juni at Toni. Nakita ko silang nakatambay doon. Mukhang late yata si Itchan. Naiinip na yung dalawa.

Juni: Ang tagal naman ni Chan.
Toni: Nasaan na kaya yun.

Parating na si Itchan.

Toni: Bakla, bakit ngayon ka lang?
Juni: Halika na!
Itchan: Bakla, hindi na ako makakasama sa inyo…

Nag-online ako. Sa wall posts sa Facebook Profile ni Itchan, maraming nagpapasalamat sa kanya sa mga pagdalaw niya. Sabi ko, “Bakla, nakita nga kita, pero hindi naman ako kasali sa eksena. Bat ganun? Ang gusto ko lang naman mayakap kita.”

Kagaya ng dati, sobrang pagod ako galing sa trabaho. Gabi na ako umuwi. Pagkapikit ko, nakita ko si Itchan. Napamulat ako. Tanong ko sa sarili ko, “Nakatulog na ba ako agad nun?” Napaisip ako… Sabi ko na lang, “Bakla, okay lang ba kung tipong paumaga mo na ako dalawin? Matatakutin kasi ako, ang lakas ng  imagination ko.” In short, natatakot ako.

Tick tock. Tick tock.
KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!
Alas otso na ng umaga. Pero inaantok pa ako.
ALARM OFF.

Kinuwento ko kay Mommy ang una kong panaginip kay Itchan. Pumasok ako sa kuwarto, at nakita ko si Itchan na nakatayo! Hindi ko mapaliwanag yung tuwang naramdaman ko.

“Chan! Chan!”
Pinisil-pisil ko yung braso niya!

“Chaaaan!”
Mahigpit na yapos ang binigay ko sa kanya.
“Chan!”

Tapik.
“Joy, Joy. gising na. Baka ma-late ka.”
Si Mommy pala.

Nagising akong may luha sa mga mata ko. Habang inaalala ko ang mga nakita ko.
Natawa na lang ako. Infairness kay bakla, umaga nga nagpakita.

Pero may comment pa rin ako... Sabi ko, “Nagpakita ka nga, nayakap nga kita. Hindi mo naman ako kinausap.” Naimagine ko kung anong isasagot niya. Sasabihin siguro nun, “Gaga! Kung kinausap kita, baka matakot ka pa!”

Hinintay ko kung kelan niya ako susunod na dadalawin.

May overnight kaming magkakaklase. Magkakasama kami sa isang kwarto na hindi ko mawari kung saan o kanino. Ang ingay namin. Sigawan, tawanan. Hanggang sa dumating na si Itchan. Naka-tux pa si bakla, pormal-pormalan.

Lumapit ako.
“Ano na beks, hindi mo pa rin ba ako kakausapin?”
“Baka kasi matakot ka.”
“Loka-loka. Hindi na ako natatakot sa’yo”

Nagtawanan kami.
Hahaha! Hahaha! Hahaha!
At, niyakap niya ako. Mahigpit na yakap.

Kasama ko na ulit ang mga kaklase ko. Natatanaw namin si Itchan mula sa kwarto kung nasaan kami. Naka-ngiti at mukhang masaya. Kumakaway siya sa amin habang humahakbang papalayo.

Panaginip lang pala lahat.

Patuloy ang buhay. Pero sa tuwing mag-isa ako, naiisip ko pa rin ang kaibigan ko. Sabi nga ng boyfriend ko, parang ang laki daw ng epekto sa akin ng pagkawala ni Chan.

Totoo.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Yung tipong, oo alam ko na wala na siya. Pero parang ano ba ito, parang joke lang naman. 

Na-realize ko kung gaano kaiksi ang buhay. Naintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ng “Life is short” at ng “You’re never too young to die.” Na ang buhay ang walang kasiguraduuhan. Maaring bukas 'pag sikat ng araw hindi ka na magising pa. Nakakatakot.

Pero ganun talaga. Kaya nga may kasabihan din na, “Live life to the fullest.”
Na dapat matutunan ng bawat tao na ituring ang bawat araw na parang huli na niya. Na wala na tayong dapat sayangin pa. Ako, iniintindi ko pa ang leksyon na iyan  at sinsubukang matutuhan pa.

Sabi sa kanta sa 100 Days to Heaven… “Mahiwaga ang buhay ng tao.”
Mahiwaga ito, dahil mahiwaga rin ang nagbigay sa atin nito, ang Panginoon.

Life itself is such a blessing. Let’s all be grateful for having it and live it the right way.

October 23, 2011

Paglisan ng Kaibigan

September 24, 2011 2:21pm
God is good. Dalawang bahay na lang at sa amin na yung masusunog.
Salamat Lord! Napatay ang apoy! Di ko alam ang uunahin ko dai! Haha
Kumusta naman ang LPG outlet namin? Lol
/Kaloka

September 25, 2011 12:19pm
Good mornig Kuratong Baleleng!

September 28, 2011 11:05pm
Good is bigger than any problem. He will guide, lead and heal.
Kapit lang. I know malalampasan ko ito ulit.
Squad, good luck tomorrow, have faith.
/Goodnight

September 29, 2011 11:57am
Please include me in your prayers. Bumalik ang sakit ko.
Hirap na ako huminga. Hindi fashionable kapag may oxygen. Salamat.
Good luck COC Cheering Squad. Sayang di ako makakanood but dont worry,
my heart is with you guys. So proud sa mga magla-last dance.
/OMW home from the hospital

October 1, 2011 9:50pm
I miss you all. Keep praying for me.
Makakabawi din ako sa inyo. Salamat!

October 4, 2011 5:42pm
Superbored!!!

October 12, 2011 12:49am
Confirmed. I'm waiting for my ambulance. Rampa nanaman sa ospital. Kabog.
Basta sama niyo lang ako sa prayers para maduktungan buhay ni bakla. Keri?
Mahal na mahal ko kayo! Pag nategi ako, gusto ko may mag-Kendeng-Kendeng ha?
May price. Signing out.
/Weak bitch.

October 12, 2011 12:49am
Pota, astig talaga ang wang-wang! Gusto ko dumungaw at mag-rock on!
Lahat nakatingin. Haha.
/Kalma lang.


Ito ang mga huling text message na nareceive ko sa kaibigan ko.
Buong akala ko nabura ko lahat sila bago ko malaman ang nangyari sa kanya.

John. Yun ang tawag ko sa kanya nung enrollment pa lang namin para sa college. Joy ang tawag niya sa akin, at ipinipila niya pa ako sa enrollement noon para hindi na ako mahirapan... sumingit. Pagpasok namin sa klase, doon na siya nagpakilala sa lahat bilang si John Christian Erestain, at tawagin na lang daw namin siyang "Itchan".

Si Itchan. Bakla siya. Eh ano naman? Totoo siyang tao, kaibigan at kapatid sa aming lahat. Siya ang nagpapasaya sa buong klase namin. Mahilig siya magkwento sa iba kung ano na ang ginagawa niya. By any means, kwentuhan man, sa text o online.

Hindi ko alam kung nitong taon lang ba nagkasakit si bekla o mga late last year pa. Pneumonia daw ang tawag sa sakit niya, at matagal siyang na-confine sa ospital. Halos araw-araw niya kaming binibigyan ng update via SMS kung ano na ang lagay niya. Gumaling siya, pero hindi muna siya pwede magtrabaho. Kailangan niya ng pahinga at maintenance sa gamot.

OK na siya, sabi niya.

Ilang buwan pa at natanggap namin ang text niya na bumalik nga daw ang sakit niya.
Sa isip ko, "Okay lang si Itchan, kaya niya yan."

Kampante at tila binalewala ko ang text niya. Tiwala ako kay bekla na malalampasan niya ulit ito katulad ng unang pagkakataon dahil alam ko na matapang siya. Alam ko na lalaban siya katulad ng dati.

Madaling araw na nang makauwi ako. Ala una ng October 18, at pagod na pagod ako galing sa trabaho.Nakaidlip ko agad hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Naalimpungatan ako, akala ko tawag galing sa trabaho. Pangalan ng kaklase ko ang lumabas, si Juni Amaba. Mas nakalma ako, nakapikit at inaantok na sinagot ang cellphone.

"Hello?"
"Bakla..."
"Bakit beks?"
"Bakla, wala na si Itchan."

Napabangon ako.

"Beks, wala namang biruan ng ganyan!"
"Totoo bakla, kapatid niya ang nagsabi sa akin..."

Nanginiginig na ako..

"Totoo ba talaga?"

Umiiyak na ako.

"Kung gusto mo, itext ko yung kapatid niya, ito yung number..."
"Hindi na...ah.. ano ba.. to.. totoo talaga? Pa.. Paano yan.."
"Patulong naman, sabihan natin classmates natin..."
"Ha.. uhh.. tawagan ko si Maje.. T.. Teka... Bakla, totoo ba ??"
"Oo beks, nagulat din ako."

Nanginginig ako. Hindi ko mai-dial ng maayos ang numbers ng mga kaklase ko. Hindi ko alam paano ko sasabihin. Hindi na ako natulog noon hanggang sa magliwanag. Diretso pasok na ako sa trabaho.

Nagpunta kami sa unang gabi ni bakla. Pagkababa ng sasakyan, nakita ko ang tarpauline sa labas ng chapel. May pangalan ni Itchan... John Christian Erestain... Born... Died... Patawid pa lang ng daan, hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

Ang sakit-sakit.

Naikwento sa amin ng Mama ni Itchan kung ano ang mga nangyari noong huling sandali niya. May guilt feeling man ako dahil binalewala ko ang kalagayan ni Itchan sa pag-aakalang magiging okay siya, wala na akong magawa pa.

Ang Dios ay hindi nagkakamali.

Si Itchan, sa paniniwala ko'y ang misyon niya sa buhay ay pasayahin ang mga kaklase at kaibigan niya. At ngayong magkakahiwalay na kami, nagkasakit siya at saka niyakap pabalik ng Panginoon. Sabi siguro ni Lord sa kanya, "Anak, ang husay mo... Job well done."

Huling araw na ni Itchan at kailangan na siya ilibing.
Usapan ng klase na mag-suot kami ng puti at 9am ay dapat nandun na kami sa chapel para sa tribute kay Itchan.

Pagkababa ko sa LRT Santolan, habang nag-aabang ako ng jeep ay may lumapit sa akin. Dalawang tao na nakaputi rin at may dalang mga bulaklak. Mga kaklase ko, sina JV at Odette. Ito nanaman ako, hindi ko nanaman mapigilan na umiyak. Sa isip ko, totoo talaga. Naka-puti kami, may kaibigan kaming pumanaw.

Nagbigay kami ng tribute kay Itchan. Ang bilin, dapat may sumayaw dapat ng Kendeng-Kendeng nag ginawa naman ng pep squad, at ang request niya na kantahin sana ng Jesus Take The Wheel ni Carrey Hilson na kinanta ni JV, at isang AVP presentation na hinanda naman ni Ayvee. Pati na ang testimonials kung gaano siya kabait na tao at gaano siya kahalaga sa amin.

Sa harap ko nakaupo ang pamilya ni Itchan. Nang kantahin na ni JV ang Jesus Take The Wheel, nag-iyakan kami. Lumingion sa akin ang Mama ni Itchan sabay humagulgol at nanginging na sinabing, "Lagi yan kinakanta ni John..."

Nagdurugo ang puso ko, na makita ang mga magulang ni Itchan na nasasaktan. Gusto kong mas gumaan ang pakiramdam nila pero hanggang haplos lang ang naiganti ako.

Kailangan ko na umalis dahil halfday lang ako pinayagan sa trabaho. Lumapit ako sa katawan ni Itchan, tinitigan at tinandaan ko ang mukha niya. "Beks, ito na ang huling pagkakataon na makikita kita..." Dalangin ko sa Panginoon, "Lord, ikaw na bahala sa kaibigan ko. Salamat po at ipinahiram mo siya sa amin..."

Hindi nagpakita si Itchan sa amin na nahihirapan na siya. Nais niya siguro na tanging magagandang ala-ala lang ang iwan niya sa amin...  Sabi nga ng plakadong biro na ginagamit lagi ni Itchan, "Ang buhay ay hiram lamang..." Hindi natin alam kung kailan ito kukunin sa atin, kaya't hanggang nasa sa atin pa ito, ipakita natin sa mga taong mahal natin kung gaano natin sila kamahal.

Kulang pa ang haba ng blog na ito para maipahiwatig ko sa inyo gaano kasakit mawalan ng kaibigan.

...Itchan, kaibigan ko. Magpahinga ka na. Alam kong mas maligaya ka na ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa mga susunod na araw ay hindi na kita makakasama pa... Sana'y kahit papaano naparamdaman ko sa iyo kung gaano kita kamahal. Hanggang sa muli... :)

October 3, 2011

The Story of a Donkey Trapped in a Well

"Life is going to shovel dirt on you, but you have to shake it off and take a step up."

One day a farmer's donkey fell down into a well. The animal cried piteously for hours as the farmer tried to figure out what to do. Finally, he decided the animal was old, and the well needed to be covered up anyway; it just wasn't worth it to retrieve the donkey.


He invited all his neighbors to come over and help him. They all grabbed a shovel and began to shovel dirt into the well. At first, the donkey realized what was happening and cried horribly. Then, to everyone's amazement he quieted down.

A few shovel loads later, the farmer finally looked down the well. He was astonished at what he saw. With each shovel of dirt that hit his back, the donkey was doing something amazing. He would shake it off and take a step up.

As the farmer's neighbors continued to shovel dirt on top of the animal, he would shake it off and take a step up. Pretty soon, everyone was amazed as the donkey stepped up over the edge of the well and happily trotted off!

MORAL :

Life is going to shovel dirt on you, all kinds of dirt. The trick to getting out of the well is to shake it off and take a step up. Each of our troubles is a steppingstone. We can get out of the deepest wells just by not stopping, never giving up! Shake it off and take a step up.



Remember the five simple rules to be happy:

1. Free your heart from hatred - Forgive.
2. Free your mind from worries.
3. Live simply and appreciate what you have.
4. Give more.
5. Expect less from people but more from God.





July 1, 2011

Career Moves... In Mysterious Ways!

Madilim. Malakas ang buhos ng ulan.

Katahimikan.

"Kamusta ako bilang katrabaho?" tanong ko sa isang kasamahan.
"Okay naman, bakit?" sagot niya.

Katahimikan.

"Okay na ba kayo nung nakaalitan mo?"
Kibit balikat ang isinagot ko.

Katahimikan.

Ang awkward ng pag-uusap namin. Para kaming hindi magkakilala sa loob ng apat na taon.
Masyado kaming maingat sa aming pananalita. Hindi ako sanay.

"Ikaw, masaya ka ba ngayon?" aniya.
Tiningnan ko siya, ngumiti ako at saka yumuko.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Masaya nga ba ako??

Gusto ko sanang sumagot ng 'Oo'. Sana.

Nitong mga nakaraang araw, medyo magulo ang isip ko. Tungkol lahat sa usapin ng trabaho at katrabaho.

Ang alam ko, isang katrabaho ko lang ang nakaalitan ko. Until I accidentally read a message from a DJ's  phone, a message from 'that' staff describing me as "mahadera". From that very moment, naisip ko...
"Sino sa mga katrabaho ko ang totoo ang pinapakita sa akin?"

I have always been true to them.
Kapag inis ako sa kanila, pinapakita ko. Kung nag-aalala ako, pinapapakita ko.
Kung galit ako, sinasabi ko. Ayoko sa mga taong 'plastic'. Siguro nga, you cannot please everybody.

Over the weekend, I have been bothered with these things; happiness and relationship. Mapa-tungkol man sa trabaho o kaibigan. So, I finally decided to leave the company soon though I know I still have lots of things to learn. And, I am worried that my Mom will get sad. That's one main reason I've been sticking to the station despite the issues, nakikita kong masaya ang Mommy ko, kaya kaya kong magtiis basta makita ko lang siyang masaya.

I got sick for three days. While taking some rest, I took the chance to unwind and clear my mind. Wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin. Basta ako, magtatrabaho na lang ako.

I got back to work.
"I am so back, balakubak!"
Sabi ko sa opening ng programa.

Pagkaraan ng unang adlib, tinanong ko ang kasamahan kong DJ...
"Kuya, anong nangyari kahapon?Anong balita?"
"...Uh. Wala naman, ganun pa rin naman."

Hindi ko alam, pero hindi na ako mapakali nang mga sandaling iyon. Kutob, ika nga. Marahil ay sa tono niya at sa kakaibang galaw ng mata. Ewan. "Ah, Monday nga pala kahapon. Wala masyadong ganap." pakunwaring sabi ko na lamang.


Pagkatapos ng boardwork, nagpaalam ako na pupunta ako sa Makati office para ayusin ang ilang requirements sa trabaho. Pagkabalik ko ng station, pinaakyat ako sa opisina at nag-usap kami ng boss.

Ito na yun. Pwede ko nang sabihin. At yun din ang sinabi sa akin.

What happened was more of a mutual decision. I have been planning this even before I started entering the station. Maybe, the... let's say, 'discouraging' words of my co-jocks and previous jocks who left the station contributed to my pre-planned move.


"You've got no one to trust in here."
"I have been working here three years, ganito pa rin ako."
"Mabagal ang growth, ang baba pa ng sahod."
"She was forced to leave by the bosses."
"Unfair nga e. Sila ganito, tapos si ano ganito na, pero ako ganito pa rin."
Sabi nila.

And even learning that some of the other jocks, around three or four of them, are submitting applications in other companies and/or in other fields, made me realized... "Pumapasok ako sa kumpanya na balak umalis ng mga epleyado nila."


No doubt. I left the station with a straight face. I was not sad, I was not happy. Just plain emotion.

I discussed everything with my parents. I was very careful telling things especially to Mom, but no matter how hard I try, I still felt her sadness.

I went up to my room and cried. Not for any reason, but the feeling that I made my Mom sad. Sabi ko sa sarili ko, ngayong nagtatrabaho na ako, gagawin ko lahat ng makakapagpasaya sa kanila. And I was disapppointed with myself, because of what I did.

I was hiding under my pillows, until I felt a warm hug. It was Mom. "I'll always be proud of you, no matter what", she whispered. I hugged her back and said "I'm sorry." "You shouldn't be... You just chose to be happy." she smiled.

The next day, I went back to the office and packed up my things. I bid goodbye to the senior jocks who were already there early. I wasn't able to control my emotions. I cried. It was my first heartbreak.


Life would teach us lessons and sometimes we have to learn it the unusual way. :)


I am now looking forward to the bigger, brighter and better opportunities waiting for me.
So now, I'll be very much busy again. I still need a lot of catching up to do!
Till we meet again, folks! Salute!